Saturday, June 4, 2011

Chapter 27

So yun, lumipas ang isang araw. Wala naman masyadong ginawa e. Too bad, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Rose. Ewan 'ko ba, siguro nagpapatigasan lang kami. Minsan tinitingnan niya ako pero wapakels lang ako. Feeling 'ko nga pinaparusahan 'ko na 'tong sarili 'ko e. Dismissal na namin ngayon. Pinabilis 'ko na, wala naman kasi rin masyadong ginawa e.

"Yo Ingrid!"


So andun pa rin si Yohan sa labas ng classroom namin. Nagugulat na nga ako sa lalaking 'to e. Mukhang aaraw-arawin na ang paghatid sakin sa bahay. As usual, payag na rin ako na si Rose na lang muna ang samahan ni Fuchsia. Hindi naman ako magtatampo e.

"Uuwi ka na?"

"Yep. Hatid na kita?"

Tumango lang naman ako nun. And then yun, sabay lang kaming lumabas ng school building. Medyo tahimik nga ako nun e, feeling 'ko kasi may kulang sakin.

"Pwede ka ba bukas?"

Nagulat naman ako dun. Whoa, si Yohan ba talaga 'to? WAHAHAHA. Sasabihin 'ko na sanang `oo` kaso naalala 'ko na Saturday nga pala bukas. At bukas yung double date namin nila Cyrus. Sino kayang dadalhin niya no? Siguro isang taga-St.Claire lang rin.

"Sayang. Meron kasing-- family matter"

Palusot! WAHAHA.

"Ah. Ganun ba. Sayang naman. Sige, siguro next time na lang"

Naks naman 'tong. Yinayaya ata akong makipagdate sa kanya e?! Ambisyosa mo Ingrid! Grabe!

Luckily (ulit), wala si Cyrus. Siguro nagre-ready lang yun para bukas. Or baka nagpapami-miss lang siya. Hay nako, hindi 'ko naman siya mami-miss e! TSK.

So yun, hinatid lang ako ni Yohan nun. Sa totoo lang, masaya ako na hinahatid niya ako. Kaso lang, mas mukhang masaya ako kapag si Levi yung naghahatid sakin.

"Sige, hanggang dito na lang"

"Sige, bye"

Nag-wave lang ako sa kanya then pumasok na ako ng gate namin. Hay nako. Sana hindi na matapos ang araw na 'to para hindi na ako dumating sa point na makikipag-double date ako kay Cyrus.

***

Kaso kahit ako si Superman, hindi 'ko mapipigilan ang pagtakbo ng panahon. Dumating rin ang umaga. Buti na lang mamayang dinner yung double date na yun. Nakakainis, sana hindi kami pinayagan ni mama at papa kaso nagsinungaling pa si ate Ivette at sinabi niya na para sa project daw at kailangan niya lang ako para bantayan siya. TSK. Bad no?

"Sis, ready ka na ba?"

"Pag sinabi 'ko bang hindi, hindi na tayo tutuloy?"

"Sis! Wala ng atrasan 'to!"

Wala naman akong magagawa. Wala ngang atrasan 'to. Mukhang hindi nakikisama sakin ang panahon kasi mukhang bumilis yung oras e. Naligo ako at nagsuot ng simpleng checkered na polo at jeans. Samantalang si ate Ivette ang nagpaka-pretty girl pa na may matching bag pa.

So yun, umalis na din kami sa bahay nung bandang mga 6:30 tapos nag-jeep lang kami. Mukhang nagtaka nga sila mama at papa kung saan pupunta si ate e, kaso hindi na rin naman nila pinansin yun.

"Grabe ate. Hindi naman halata na makikipag-date ka no?"

"Bakit ba?! Nakakainis naman kasi e. Sana ako na lang nakipagkita sa kanya no?"

Tumango naman ako nun. Haaaay nako. Kelan kaya namin sasabihin ang totoo? Mali pala ang tanong... Sasabihin kaya namin ang totoo? TSK. 

After ilang minutes ay nakadating na rin kami dun sa venue kung saan may isang restaurant na sobrang sosyal. Pumasok naman kami nun ni Ate Ivette and mabilis naming nakita si Cyrus kaso wala siyang kasama. TSK, medyo kinakabahan tuloy ako...

"Bakit wala siyang kasama?"

"Aba, ewan 'ko!"

Dahan-dahan naman kaming lumapit sa table nun ni Cyrus. Ngumiti siya sakin. Ugh. Naiinis ako sa presensiya niya. TSK.

"Hi Ingrid. Buti dumating ka. Sino siya? Akala 'ko yung Rose yung dadalhin mo e"

Napalunok naman ako nun. Naalala 'ko kasi si Rose e.

"Ipapakilala 'ko kasi sana siya dun sa sinama 'ko. Siya kasi yung type nun e"

Tumango lang naman ako nun. Asus. Kahit naman hindi 'ko kabati si Rose, si Ate Ivette pa rin ang sasama 'ko sakin.

"Ah. Ganun ba? Asan ba yung kasama mo?"

"Sabi niya padating pa lang siya e. Pero malapit na rin yun"

Then, umupo kaming dalawa ni Ate Ivette dun sa dalawang vacant seats.

"By the way, she is my sister. Si Ate Ivette. Nag-aaral din siya sa St.Claire. And in fact, mag-batchmates kayo. Kilala mo ba siya?"

Nag-try ngumiti nun si Ate Ivette tapos nag-flip pa siya ng hair para magpa-cute. Minsan iisipin mo na nanunuod ako ng isang comedy show pero totoo pala 'to! WAHAHA.

"Hi I'm Ive--"

"Hindi kita napapansin e. Kabatch talaga kita? Wow. Ngayon 'ko lang na-realize na marami pa nga akong hindi kakilala sa batch namin."

Parang na-heartbroken nun si Ate Ivette. Napahawak na lang naman ako nun sa ulo 'ko. Grabe, siguro kahit ako na walang gusto kay Cyrus ay masasaktan kung sabihin sakin yan. Alam mo yung feeling na medyo na-degrade yung pagkatao 'ko.

"Oo, kabatch mo tala--"

"By the way Ingrid, gusto 'ko sanang mag-sorry sayo. Pakiramdam 'ko kasi nagiging-awkward ka na sakin e"

Hmf! Hindi man lang niya pinatapos si Ate Ivette nun. TSK. Bad.

"Kaya hindi na rin ako nagpupunta sa school niyo. Alam mo ba akala 'ko kayo ni Yohan pero I was glad na hindi pala"

Pangiti-ngiti lang naman ako nun tapos napapatingin lang ako kay Ate Ivette. Wala naman kaming magawa kundi makinig lang sa bidang si Cyrus.

"Pero kinabahan ako kasi I thought na there was something going on with you and Levi"

Parang muntik ng may bumara nun sa lalamunan 'ko. TSK.

"Talaga?"

"Oo. As in, siguro pag nangyari yun baka magkaaway talaga kami nun."

Medyo napalunok ako nun. So tama lang ang desisyon 'ko na hindi sabihin ang totoo. 

"Pero ngayon, kampante na ako kasi hindi ikaw yung type ni Levi e. Alam 'ko yung mga type nun. Siguro masyado lang akong naging OA kasi siguro naging close na din kayo diba?"

Napatango lang naman ako nun. Ang mga type kasi ni Levi yung mayaman, maganda, talented at matalino. Parang si Vyra... Parang si... Parang si Rose...

"Oo. Pero wag na natin yun pag-usapan. By the way, Ate Ivette, diba matagal mo ng kilala si Cyrus?"

"Ah--oo, in fact nga naging maggroup--"

"Ayy, teka lang. May natawag sa phone 'ko"

Naputol ulit nun ang pagsasalita ni Ate Ivette. Nakakainis talaga 'tong Cyrus na 'to oh. Hindi naman niya napansin na umirap ako kasi naging busy siya dun sa kausap niya sa phone.

"Labas muna ako. I need some air"

Ngumiti at tumango muna si Cyrus sakin nun then tumayo na rin ako lumabas. Siguro ok lang na iwan 'ko muna sila. Baka masapak 'ko ng wala sa oras si Cyrus e. Kung ituring si Ate Ivette, parang hangin lang.

Lumabas muna ako ng restaurant nun tapos pumunta ako dun sa left side nung building para hindi nila ako makita. Gusto 'kong itext si Fuchsia kaso kukulitin lang ako nun na makipagbati kay Rose. Hindi 'ko rin naman pwedeng itext si Rose. Napasigh na lang naman ako nun, sobrang boring na talaga.

"Oi"

Napatingin ako nun sa isang side 'ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Parehas lang kami nun na nakasandal lang sa may wall. Siguro feeling niya na by this way, pwede kaming makatakas sa mga bagay na hindi namin kayang harapin.

"Ako yung sinama ni Cyrus kaso ayaw 'ko pang pumasok e"

Nagulat ako sa kanya nun. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko nun lalo ng maalala 'ko yung sinabi sakin ni Cyrus. Siguro, tama nga. Type nga siguro talaga ni Levi si Rose. Nakakainis lang e.

"Levi, tapatin mo nga ako"

Nagkatinginan kami ng diretso nun.

"Bakla ka ba talaga? Sabihin mo na kasi yung totoo"

As in wala kasi akong makita na sign e. Type niya si Rose at ex niya si Vyra. 

"Ok lang naman kahit sabihin mo na ayaw mo talaga ako e. Tatanggapin 'ko naman yun. Nakakainis lang kasi mukhang hindi 'ko na-meet yung expectations mo tapos feeling 'ko sobrang ayaw mo sakin kasi nagawa mo pang magsinungaling na bakla ka"

Tahimik pa rin naman siya nun. Sana kasi dineretso niya na lang talaga ako.

"Sana kasi sabihin mo na lang yung totoo. Sana kasi diretsuhin mo lang ako. Kasi hanggang ngayon, naasa pa din ako"

"Ingrid"

Hinawakan niya nun yung kamay 'ko. Hindi 'ko nga maintindihan yung nangyayari e. Hindi 'ko ma-gets kung bakit niya ginagawa 'to.

"Diba ito naman ang gusto mo? Ang maibalik ang dati?"

Tumango lang naman ako nun. Hindi 'ko na rin makuhang magsalita e.

"Binibigay 'ko lang sayo ang gusto mo. Hindi 'ko sasabihin na hindi kita gusto pero hindi 'ko rin sasabihin na gusto kita. Let's say na hindi nga ako gay but more of I'm confused. Naiintindihan mo ba ako?"

Hindi naman na ako nakapagsalita nun. Hindi 'ko rin kasi naintindihan yung mga sinabi niya e. Undefined pa din yung sagot niya. Nakakainis lang.

"Levi"

Napalingon naman siya sakin nun.

"Are you beginning to like Rose?"

Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. As in. Feeling 'ko ikamamatay 'ko yung kung ano mang isasagot niya sakin.

"I hope so"

Hindi 'ko pinahalata pero basag na basag nun yung puso 'ko. Durog na durog. As in. Feeling 'ko sobrang microscopic na nung mga pieces ng puso 'ko. Triny 'kong ngumiti nun.

"Really? Good for you. Sana dahil dyan hindi ka na ma-confuse"

Sobrang hirap bigkasin nung bawat word. Buti na lang magaling akong magsinungaling. Nakakainis lang. Hindi 'ko in-anticipate na dadating ang araw na 'to. Ang araw na mai-in love ang crush mo sa bestfriend mo. Akala 'ko hanggang movies at stories lang 'to pero pwede rin pala sa totoong buhay. Akala 'ko simple lang magka-lovelife, hindi pala.

"Pasok na tayo"

Ako na yung nanguna na pumasok dun sa resto. Medyo nainis ako kasi hindi man lang nagu-usap si Cyrus at si Ate Ivette but nagulat naman si Cyrus kasi magkasabay kami ni Levi na pumasok.

"Wow. Tamang-tama. Sinerve na yung food. Levi, too bad. Hindi si Rose yung sinama ni Ingrid. Sayang no? Dapat kasi ligawan mo na e"

Napasarado ako ng fist 'ko nun habang papalapit kami ni Levi dun sa table. Sabay naman kaming umupo nun. Hindi nga ako makatingin ng diretso kay Levi e. Bakit kasi siya pa yung nakatapat 'ko?!

"Diba partner mo yun sa Botany class niyo? you can make the move na habang ginagawa niyo yung project! That would be nice! Sayang talaga. Sana andito siya. Baka pag-uwi niyong dalawa, in a relationship na agad kayo"

Napapahigpit nun yung hawak 'ko dun sa spoon. Mukhang napansin nga ni ate kasi tinabig niya pa yung binti 'ko pero hindi 'ko na talaga keri e. Pero hindi 'ko akalain na mas maiinis pala ako sa sunod na sinabi ni Levi.













"Don't worry. Malapit na rin siguro yun" yeah, right. Good luck.

No comments:

Post a Comment