Sunday, July 31, 2011

Chapter 45

This is the best day ever! Grabe, pumunta kami sa pinakamalapit na peryahan. Ngayon ko lang naalala na pyesta pala sa subdivision namin ngayon no? Ang saya nga eh. Sumakay kami sa kung anu-anong rides tapos buong araw kaming magka-holding hands. Naku po. Mukhang nagkakasala na talaga ako ah! WAHAHA.

"Masaya ka ba?"


"Super"


May hawak pa akong lobo nun. Feeling ko nga sobrang cute ko eh! Masyado talaga akong feeling eh. Tumingin ako sa paligid ko at buti na lang, walang mga taga-St.Claire o taga St.John. Napapalibutan na kami ng mga naglalakad na couples. Iba't-ibang klase ng mga nagmamahalang mga tao. Ang saya nga eh. Surrounded by love na talaga ako. May mga clowns na naglalakad-lakad at mga tao na akala mo matangkad pero nakatayo lang pala sa mga mahahabang kahoy. Sobrang saya sa peryang yun lalo na kung kasama mo yung taong.... paano ko ba siya ide-describe? basta yung tao na ang pangalan ay Levi.

"Ingrid, I love you. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo" parang bumagal yung oras nang sinabi niya yun. Lumapit siya sakin at pinagdadasal ko na sana hindi na maudlot 'to.

Wala akong pakielam sa mga lumalagpas saming mga tao. Alam ko namang hindi na rin sila makikielam eh. Nakalimutan ko na din na naka-uniform din ako ng mga panahon na yun pero ok na to! Ayoko ng maudlot ang unti-unti niyang paglapit sakin.

Hinawakan niya yung mukha 'ko then linapit niya sakin yung mukha niya. Oh please, nasa heaven na nga ata ako. Nananaginip ba ako? Kung oo, wag na sana akong magising. Hindi ako makapagsalita sa sobrang kilig at saya ng pakiramdam 'ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga at pagsabog ng bawat emotions na tinatago-tago namin para sa isa't-isa dati pa. Unti-unti pa siyang lumapit. Malapit na talaga. Ito na talaga.

Tumigil siya at the point na isang inch na lang ata ang pagitan ng lips niya sa lips ko. Ugh. Ano na naman bang meron? Ngumiti siya sakin tapos umusod pa siya pataas at hinalikan niya yung noo 'ko. hanggang noo na nga lang siguro kami? 

"Alam ko iniisip mo"

Namula naman ako nun. Nababasa niya ba talaga yung isip ko?! Kakahiya ako. Atat na atat na ako sa kanya eh! WAHAHA. Hinampas ko naman siya ng sobrang lakas nun sa braso niya. BWAHAHAHA. Kabayaran niya yan.

"Gusto ko ring ituloy pero next time na lang baka mahirapan lang akong huminga"

Hinampas ko ulit siya. Tama bang idawit dito ang asthma niya?

"Ang adik mo talaga!"

Sumakay ulit kami ng kung anu-anong rides. kahit na feeling ko ay wala na akong kaluluwa (dahil sa rollercoaster), worth it pa rin kasi si Levi ang kasama ko.

***

Nasa harapan na kami ng bahay ko nun. Ugh. Sayang, nag-wish pa naman ako na sana man lang biglang lumayo yung bahay namin kaso walang magagawa eh. Malapit din yung peryahan sa bahay namin. TSK.

"Oh. Ingat ka ah" sabi ko naman sa kanya. Tumango lang siya sakin at lumabas talaga ang pagka-cool niya dun. Ayyy, bakit ang gwapo ng binatang ito?!

Tumalikod siya sakin tapos humakbang siya ng mga three steps tapos bigla siyang tumigil. Hm, may nakalimutan ba siya? Humarap ulit siya sakin tapos gamit ang isang malaking hakbang, lumapit siya papunta sakin. Segundo lang ang nagamit niya nang halikan niya ako mismo sa labi 'ko.

Feeling ko nag-explode na ako sa isang segundo na yun. Lumayo siya sakin at ngumiti siya sakin. Mamamatay na ata ako eh!!!

"Sige. Good night" sabi niya sakin then tuluyan na nga siyang umalis. Sa tingin niya ba makakatulog ako pagkatapos ng lahat?

Mabilis akong pumasok sa bahay namin at hinawakan ko yung labi ko.

"AAAAAAHHHHHHHH!!!!"

***

Gaya ng sinabi ni Levi, hindi nga talaga ako nakatulog. Grabe naman kasi siya eh, pamatay! Nag-alala pa tuloy sakin si Ate Ivette! Buti na lang napigilan kong magkwento tungkol sa kinakikiligan ko ngayon. Waaaaa, nakakaadik lang si Levi eh. WAHAHAHA.

Lumipas ulit ang ibang days. Ayun, pinatunayan ko naman sa sarili ko na sobrang landi ko na talaga gawa ng mukhang may dalawa na akong boyfrends ngayon! ugh, paano ba ako makikipag-break kay Cyrus? Pag umaga kasi, si Levi ang boyfriend ko. Pero pagdating ng dismissal namin, si Cyrus na ang boyfriend ko dahil siya ang naghahatid sakin sa bahay namin. Hanggang kelan ba namin itatago 'to ni Levi?

"Kamusta naman school?" ugh. dismissal na nga at kasabay ko na si Cyrus pauwi.

"Ok lang naman." wala talaga akong kwentang kausap eh. Sana kasi makipag-break na sakin si Cyrus!! Badtrip lang eh.

"Aahh. Ganun ba..." wow. first time niya atang mag-effort na hindi mag-open sakin ng topic. Is this a good thing or not?

Maya-maya naman ay nasa tapat na rin kami ng bahay ko. Nagba-bye ako sa kanya at nag-thank you na rin sa paghatid. Pumasok na din ako ng bahay namin sabay labas ng cellphone 'ko. At syempre tinext ko si Levi, sasaya na ako kahit ganun lang.

***

Paulit-ulit lang talaga ang pangyayari. Sa umaga, si Levi. Sa gabi, si Cyrus. Sa text, si Levi. Sa facebook, si Cyrus. By status, si Cyrus. By heart, si Levi. grabe, dalawang boyfriends ang nasungkit ko!!! Magpinsan pa! Kakaloka!!

Maaga akong pumasok nun. hindi ko rin alam kung bakit eh. WAHAHA. Bigla lang akong dinapuan ng kasipagan. Ako pa nga lang ata yung nasa loob ng campus eh. Pumasok ako dun sa classroom ko at nagulat ako sa mga bagay na nasa ibabaw ng table ko.

Naalala ko yung rose na binili ni Levi nang pumunta kami sa flower shop. Yung parang sa Beauty and the Beast. Nakapatong kasi ito sa ibabaw ng table ko at unti-unti na ring nalalanta at nalalagas yung mga petals nung rose. Isang note naman ang nakita kong katabi nung glass.

Ingrid,
Matagal akong mawawala.
But i'll be back the exact time na
mahulog lahat ng petals ng rose na 'to.
I promise.
I love you.
I will always think of you.
-Levi

Sa pagkakasulat pa lang ng note na yun, halatang kakalagay lang ng sulat na yun. Saan magpupunta si Levi? Bakit nag-iwan siya sakin ng bagay na 'to? Mabilis akong lumabas ng classroom para hanapin man lang si Levi. Kaya ko ba kung matagal siyang mawawala? Pumunta ako ng court at hindi ko pa rin nakikita si Levi. Pumunta ako sa faculty, library, gym, music room, art room at sa kung san-san pa pero hindi ko pa rin siya nakikita. Medyo nahihilo na din ako. Ganito na lang ba siya magpapaalam sakin? Ganun ganun na lang ba?

***

"I want all of you to be informed that Mr. Rextor is having some important matters outside the country so medyo mawawala siya ng matagal ngayon" sabi ng adviser namin. Hay naku. Ano kaya yun? Bakit hindi ko alam? Nakakainis naman oh. Si Rose kaya may alam?

Hindi na ako nakinig sa ibang sinabi ng adviser namin. Ininform niya rin kami na malapit na rin yung Christmas Party namin. Wow. Bumibilis talaga ang oras. Isang free week na naman para samin dahil sa pasko!  Ang saya naman. Sana by that time ay dumating na si Levi. Kung lagasin ko kaya yung mga petals ng rose na 'to!!!! Ugh. Kelan ba siya babalik? Ilang oras pa lang ang dumaan pero hindi na ako sanay na wala siya.

"Alam mo ba kung anong meron kay Levi?" umiling lang naman ako kay Fuchsia. nakakahiya kasi wala na naman akong alam.

Halos bumilis din yung oras kasi dumating na rin ang oras na hindi ko hinihintay. Ugh, it is Cyrus' turn naman para maging boyfriend ko.

"Babe" tawag niya sakin. Lumapit ako sa kanya tapos niyakap niya ako. PDA much? Ngumiti lang naman ako para kunwari masaya ako.

"Hm, anong meron kay Levi? Wala ata siya ngayon"

"Ahh. Nasa US siya ngayon. May inaasikaso lang" Ano daw?! US?!! Anong inaasikaso?!!!

"Kelan naman daw siya babalik?"

"Ewan ko lang. Umuwi na lang tayo" inakbayan niya ako nun at sabay na rin kaming naglakad papalabas ng school namin.

May mga nakasalubong kaming mga taga-St.Claire at kinakawayan pa nga kami. Tila kami na ata ang pinakasikat na couple sa St.John at St.Claire. Hay, ano ba naman yan?!

"Hey Cyrus" isang babae ang lumapit sakin. Taga-st.Claire siya kaso mukhang may sarili siyang way ng pagsusuot ng mismong uniform pa talaga nila. Paano ba naman yung unang dalawang butones ng blouse niya ay nakabukas. Nakikita tuloy yung blue niyang bra! Grabe ha! Hindi na ba siya nahiya?

"Ui. Hi Sophie. Si Ingrid pala, girlfriend ko" ngumiti lang naman ako at nakipagkamay sa kanya.

"so, ikaw pala si Ingrid. Wow. Nice to meet you. Anyways, una na 'ko Cyrus. I'll text you." then umalis na rin siya. Hmm, nakaramdam ako ng bad at landi vibes sa taong yun pero wapakels na rin ako.

"sino yun? Ang lantaran niya ha?"

"H-ha? Si Sophie lang yun. Ganun talaga yun. Hayaan mo na. Lika na" inakbayan niya ulit ako then hinatid niya ako sa bahay namin.

***

Sa wakas, nasa bahay na rin namin! Wala ng Cyrus!! Yehey, kaso walang Levi! Kakamiss talaga yung lokong yun oh. Pagpasok ko naman sa bahay, ginulat agad ako ni Ate Ivette.

"Oh my gosh!! Sister, tingnan mo 'to!! Waaaa. Super landi niya talaga!!! balaan mo si Cyrus dito!!"

Tinaas ko nun yung isa kong kilay at lumapit ako sa kanya. nakabukas pala ang facebook niya para lang magsagap ng chismis. Nagulat naman ako kais yung profile nung Sophie kanina na nakasalubong namin ang nakabukas. Grabe pa yung profile picture niya kasi naka-two piece siya dun at ang laki ng hinaharap niya. Grabe ha!!

"Kaibigan yan ni Cyrus ah. Pinakilala sakin kanina yan ni Cyrus eh"

"TALAGAAAA?!! Alam mo kasi ilang araw na din akong nag-iimbestiga eh! At nakikita ko silang magkasama ni Cyrus and kanina, nakita ko sila na sabay na pumasok sa Girl's CR!! Kamusta naman yun?!! Kaya may kakaiba talaga akong vibes na nararamdaman dyan?!"

"Ha? Sa CR?" Totoo kaya yun? Pero malabong magsinungaling si Ate Ivette pagdating sa mga bagay na ganyan.

Hindi naman sa nagseselos at nangangamba ako. Kaso boyfriend ko si Cyrus at mukhang ang sagwa ata kung may iba siyang nilalandi sa school nila. Pero ano ba?! Quits lang siguro kami. Ako ay may Levi at siya naman ay may Sophie. Ok na rin yun kaso....













...ang sagwa talaga. ANONG GINAWA NILA SA CR, diba?!

No comments:

Post a Comment