Saturday, August 20, 2011

Chapter 53

Marami pa kaming activities na ginawa sa mga sumunod na araw, oras, minuto at segundo. Bawat moment ay sobrang pinapahalagahan namin. Ang hirap talagang iwan ang mga tao na malaki ang tatak sa buhay mo. Grabe, mami-miss ko talaga ang high school life lalo na ang barkada.

Bukas ng umaga ay ang alis namin kaya ngayong gabi ay binigyan kami ng oras para magliwaliw sa retreat house. Syempre, kasama ko ngayon si Levi. Ewan ko ba. Parang ginawa naming dating session ang oras na binigay samin. Kinikilig lang ako eh.

Sobrang lamig nun at buti na lang may jacket ako. Hawak ko ang kanang kamay ni Levi habang kami ay naglalakad-lakad lang sa ilalim ng mga kumikinang na bituin at ang bilog na buwan. Sobrang ganda nga eh. Siguro ito ang oras na hinihintay niya para mayaya niya na ako sa JS Prom namin. Hay naku po, alam ko na pala ang mga plano niya eh! Wahehe.

"Levi, saan ka magco-college?" tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ko pa alam eh. Wala pa talaga akong naiisip para sakin. Ikaw ba?" napaisip naman ako. Ano nga ba ang gusto ko? Sa totoo lang, gusto ko talagang maging teacher. Seriously.

"Hm, sa Philippine Normal University ako magaaral. Maganda kasi ang course na Education dun eh. Gusto kong maging teacher tapos tatawagin nila akong Mrs. Rextor" sabay tabig ko naman sa balikat niya. WAHAHAHA. Nakita ko naman siyang napangiti which means na kinikilig talaga siya. Tumango lang naman siya at lalo niyang hinigpitan yung paghawak ko sa kamay ko.

"May sasabihin ako sayo" dug... dug... dug... eto na yun. For sure, yayayain niya na ako bilang prom date niya. Wahehe.

Linunok ko na ang mga dapat lunukin at ako ang nangunang umupo sa isang bench. Tinap ko yung tabi ko para senyasan siya na tumabi sakin kaso hindi siya tumabi. Uhmm, ano kayang plano neto?! Excited na ako.

"Ano yun?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Matagal siyang hindi nakapagsalita. Habang tinitigan ko yung mukha niya, napansin ko na parang may mali. Parang may bumabagabag sa kanya. Parang may pagdududa sa mga mata niya. Medyo kinilabutan ako. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa lamig o sa kung ano mang sasabihin sa akin ni Levi.

"Mahirap sabihin 'to pero sana maintindihan mo" Tumingin siya sakin at feeling ko ay malulunod na ako sa mga titig niya.

"Kahit ano ay maiintindihan ko. Sabihin mo lang" ganyan ang nagmamahal.

Nagsigh siya.

"I'm so sorry" napatitig ako sa kanya.... ang hirap mag-sink in ng sinasabi niya sakin ngayon. "But I think our relationship is not working"


Mabilis akong napatayo. Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Nakapaglinis naman ako ng tenga ko kaninang umaga eh. Imposible 'to!

"A-ano?"

"I love you. Believe me. Pero alam ko sa sarili ko na hindi tayo magwo-work out. Kaya ayaw kong magkaroon ng commitment sayo dahil ayaw kitang..." automatic akong napaluha nun. Feeling ko namamanhid na yung buo kong katawan pero yung puso ko sobrang sakit. Parang akong inaatake ng heart attack. "ayaw kitang saktan"

"Sabihin mong nagjo-joke ka. Hindi ako naniniwala sayo" parang nakakalimutan kong magalit at mainis sa kanya. Puro pain at luha lang ang nagagawa ko. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. How can he do this to me? Bakit sobrang bilis niya akong pakawalan?

"I'm sorry"

"PLEASE TELL ME NA JOKE LANG 'YAN! NA INTRO MO LANG YAN PARA YAYAIN MO AKO BILANG PROM DATE!" napasigaw ako sa kanya and I burst out crying. All this time, nag-iilusyon lang ako. He was everything to me but it turns out that I was nothing to him. Pinaglalaban ko siya at minamahal ko siya against all odds pero siya, wala siyang ginagawa. 

Umiling lamang siya sakin. Bakit sobrang sakit? How can he hurt me so much? Sobrang sakit. Feeling ko magco-collapse na ako.

"I'm so sorry pero hindi ako pupunta ng Prom natin. I love you. Believe me. And ginagawa ko 'to para sayo" sabi niya sakin. Ginagawa niya para sakin?

"AYOKO! Ayoko maniwala sayo. Ginagawa mo 'to para sakin? Oo nga, ginagawa mo 'yan para saktan ako! Sana hindi na lang ikaw! Sana si Cyrus na lang ang minahal ko at hindi ikaw! At least siya, totoo siya at hindi niya ako papakawalan. Hindi siya tulad mo. Minamahal niya ako ng totoo. Ano ba ang tingin mo sa nangyayari satin ngayon? Laro lang ba 'to?! Feeling mo ba laro lang 'to?!! Ang gago mo naman para isipin yan! Hindi mo ba alam na sineseryoso ko 'to?!" hindi ko akalain na masasabi ko ang lahat ng ito sa kanya. It's not true na sana si Cyrus na lang ang minahal ko.

"Oo nga. Sana siya na lang ang minahal mo. Diba sinabi ko naman yan sayo dati? Sinabi ko sayo na wag na ako pero ano ang ginawa mo? Pinili mo pa rin ako" bigla ko siyang sinampal. Hindi ko na kaya 'to. Feeling ko kahit na si Levi ang nasaktan sa pagsampal ko, mas nasasaktan pa rin ako.

"Kaya kasi kitang ipaglaban. Yun ang kaibahan natin. Hindi mo ako kayang ipaglaban. Sobrang weak mo. Okay, fine. Ito ang gusto mo. Oo, sige. I can live without you. I promise you. Mabubuhay ako ng wala ka at tandaan mo na hindi iikot ang buhay ko sayo. From now on, hindi na kita nakilala. Hindi na kita maaalala." mabilis ko siyang tinalikuran habang pinipilit na hindi umiyak.

Mabilis akong tumakbo sa loob ng building namin at tumigil ako sa pang-limang step ng stairs. Parang akong nagkaroon ng isang matinding breakdown. Napaupo ako sa step na yun at hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. 

Bakit hindi ko in-anticipate ang mga pangyayari na 'to? Kumikirot talaga yung puso ko at unti-unti akong nahihirapang huminga. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang kalimutan... for now... Sobrang mahal ko siya and sobrang hirap na. 

***

Ako na ang tanga, baliw, gaga, walang landas... alam ko 'yan. Ever since yung mga nangyari noong retreat namin, hindi na muna ako pumasok. Every night akong umiiyak at sobrang maga na yung mata ko at feeling ko luluwa na. Every night akong kino-comfort ni Ate Ivette na walang effect naman. Dalawang linggo na akong absent at araw-araw akong tinatawagan nina Fuchsia, Yohan, Vyra at Rose pero mas pinili 'kong huwag sagutin ang mga tawag nila. Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa school. Sigurado ako na nagpra-practice na sila sa Prom. Kapag naiisip ko yung Prom na 'yan, lalo akong nabi-bitter. Every night, every day, every hour, minute and second, si Levi lang ang naiisip ko. Puro tanong ang pumapasok sa utak ko. 

Bakit niya ako iniwan?
Paano niya ito nagawa?
Mate-take niya ba 'to?
Alam niya bang hindi ko kaya yung ginawa niya?
Mahal niya ba talaga?
Alam niya ba na sobrang mahal ko siya?

Pero sa huli, wala akong makukuhang sagot kahit na pigain ko yung utak ko. Ang ending ng lahat ng yan ay isang iyak lang. Wala akong magagawa kundi umiyak. 

"Sis, andyan sina Fuchsia sa labas. Papasok daw sila. Gegerahin daw nila ako kapag hindi ko sila pinapasok" nakaupo lang ako sa sala habang nakatulala sa isang anime series na hindi ko naman alam ang title. Tumango na lang ako. Feeling ko hindi na ako marunong magsalita.

Maya-maya naman ay maraming foot steps ang narinig ko...

"Baklaaa!! May sakit ka ba?! Sobrang nag-alala talaga kami sayo!" unang sigaw ni Fuchsia ang narinig ko at tinabihan niya ako sa sofa.

"Oo nga. may nangyari ba? Ughh.. Sorry hindi namin nadala dito si Levi... Sabi niya kasi may bibilhin pa siya sa bakery... Ewan ko ba dun... Pero nagaalala din siya sayo" pfttt. nag-aalala? Nakakainis siya. Hindi pa pala nila alam. Hindi pa nasasabi ni Levi ang lahat.

"Nagdala pala kami ng brownies sayo. Si Rose at ako pa mismo ang nag-bake niyan para sayo" ngumiti na lang ako kahit na pilit habang nilalagay ni Yohan yung isang box of brownies dun sa lamesa namin.

"Alam mo namang hindi kami pwede ni Vyra dyan at baka magsaksakan lang kami!" nagtawanan naman kami. Syempre, pilit lang yung akin.

Tumabi na rin sila saking lahat.

"Bakit ba ang tagal mong absent? Alam mo bang nagpra-practice na kami sa Prom. Rineserve ka namin ng seat pati si Levi." tumango na lang naman ako at kasabay nun ang pag-iyak ko.

Ayoko ng ganito. Sobrang hina ko. Naririnig ko pa lang ang word na Prom at pangalan ni Levi, sobrang nalulungkot na ako.

"Oh my gosh!! Ingrid, bakit? Anong nangyari?" mabilis akong niyakap ni Vyra.

"Ayoko na." bulong ko sa sarili ko. "Wala na kami ni Levi"

Halong inis, lungkot at gulat ang bumalot sa kanila. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Hay naku, sinabi ko pa naman kay Levi na kakalimutan ko siya pero hindi ko talaga kaya eh.

Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Rose at mabilis siyang tumakbo papalabas ng bahay namin. Mabilis rin kaming nagtayuan at sumunod sa kanya. Kinabahan naman akong bigla. Ano na naman ba ang gagawin niya?!

Lumiko siya sa kanan at kami naman ay tuloy lang ang pagsunod sa kanya. Nakita ko naman na tumigil siya sa isang bakery at andun si Levi.

Nagulat ako nang sinampal ni Rose si Levi ng sobrang lakas at umiiyak siya.

"DIBA SINABI KO SAYO NA HUWAG MO SIYANG SASAKTAN?! PERO ANONG GINAWA MO?! PINAKAWALAN MO SIYA! Alam mong masasaktan siya at mas masasaktan ka. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo" sabi ni Rose kay Levi.

Binalin ni Levi ang tingin niya sakin at halatang wala siyang tulog. Parehas lang ba kami ng nararamdaman?

"Levi..." tawag ko sa kanya. Hindi ko kaya na pigilan 'tong nararamdaman ko para sa kanya.













"Kalimutan mo na ako" then he walked out... of my life...

No comments:

Post a Comment