Wednesday, June 1, 2011

Chapter 15

Second Day na ngayon ng Sports Fest namin. Medyo kinakabahan din kasi ako. Sana hindi alam ni Levi na nag-eavesdropping na naman ako kahapon. Nakakaawa talaga yung second year e. Ano na kayang nangyari dun? Parang siyang na-basted e.

So yun, nanuod muna ako ng mga games kinaumagahan. Kasama 'ko na nun si Baby Rose gawa hapon din yung Championship Match niya. Ang galing talaga e.

"Pag pumasok yung tira na yan, ibig sabihin mahal ka na talaga ni Levi"


Nanunuod kami ng Basketball game nila Levi nun. Seniors versus Freshies kasi e. Kasulukuyan nun e nag-3 point shot si Levi at pumasok naman 'to kaagad.

"Mahal ka niya! Nag-shoot e!"

"Napaka-reasonable mo naman Rose"

Euphemism strikes. Yiiiee. Titingin sa dictionary 'yan. WAHAHAHA.

Natapos din naman yung laro nila. Ang galing nga e. Sobrang tambak yung mga first year sa kanila. And na-realize 'ko na shooter din pala 'tong si Levi. Kaya ayos lang na sa kanya ako nagpaturong mag-shoot. Sana magamit 'ko yun para hindi masayang yung nangyari nung araw na 'yun.

***

After naman ng basketball game na 'yun ay tinawag ang students na magtipon-tipon sa field. Eto na ang pinakahihintay ng lahat bago mangyari lahat ng Championship Games. Ang Cheerdance Competition.

Unang tinawag ang juniors and yun nagpakitang gilas naman sila agad. Una palang e halo-halo na ng stunts. Astig nga e, pero syempre mas magaling kami dun no! 

Then tinawag naman yung mga freshmen. Ok lang naman siya for a beginner. Pusta 'ko e bakla ang mga choreographer na 'to! Center of Attention kasi yung mga tagilid na lalaki sa buong performance e!

Then, yung sophomores naman ang nagsayaw. Ayos, mukhang mas tatalbugan nila ang Juniors pero syempre, hindi nila kayang talbugan ang Seniors!

At nung tinawag naman ang Seniors, sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao. Parang mababasag na nga lahat ng salamin e. Nakakatuwa lang e. Nakita 'ko agad nun si Fuchsia.

"Si Fuchsia, gumaganda!!"

"Ang taray ng eyeliner!"

Nagtawanan lang kami nun ni Baby Rose then nagsimula na rin silang magsayaw. Una pa lang e umapaw na sa kung anu-anong nakakamatay na stunts. Kung makahagis sila nung mga babae e parang aabot na sa labas ng outer space.

Maraming props na ginamit. Ang astig nga ni Fuchsia e. Ang galing niya kasing mag-majorette. Tapos sobrang lambot pa ng katawan. Habang yun nga yung step e, sobrang nagkagulo yung tao. Pati yung mga judges napamangha ng mag-split halos lahat nung mga babae kasama si Fuchsia. Ang tataray mag-split e! WAHAHAHA.

Pagkatapos naman nung competition e, mukhang hindi pa rin napapaos yung mga seniors. Sigaw sila ng sigaw nung cheer na hindi 'ko naman memorize.

"Bakla! Ang galing mo!"

"Grabe! Muntik na akong magkamali! Oh my gosh! Sobrang pawis at gutom na ako! Kain na tayo girls!"

"Sige, mananalo na talaga tayo!"

***

Kumain kami ng sabay-sabay nun. Kwinento 'ko rin naman yung mga adventures 'ko kahapon. Lalo na yung mga ginawa namin ni Yohan at yung mga bagay na nakita 'ko kay Levi.

"Ang tigas naman ng mukha nung Levi na 'yon! Kawawa naman yung second year na yun ha!"

"Kaya nga e. Kaya wag niyo ng sabihin sakin na umamin ako!"

"Ano ka ba, Ingrid? Malay mo ikaw yung tinutukoy ni Levi na gusto niya"

Hmmm, as a matter of fact, Pwede na ri-- Pero HINDI. Erase. Erase. Reboot!

"E paano kung hindi naman ako yung gusto niya? Masasaktan lang ako. Ayaw 'ko ng ganun"

"Sister jokla ha. Masyado kang takot sa mga pangyayari. Diba gusto mo naman siya?"

Tumango naman ako nun. Inaamin 'ko na din naman sa sarili 'ko na siya talaga ang gusto 'ko. Kasi naman e. Bakit siya nagbibigay sakin ng mga reasons!?

"Wag kang matakot masaktan. You should take risks. Para mas lalo mo pa siyang makilala"

"Pero ayaw 'ko talagang masaktan e"

"Don't worry Ingrid. Andito naman kami e"

Ngumite lang naman ako and I started eating. Nung natapos din naman kaming kumain, nag-ready na kaming dalawa ni Rose para sa game namin. Tapos naman na si Fuchsia kaya siya naman ang full-time loner ngayon. Si Rose naman e pumunta na sa room kung saan sasabak na siya sa Championship Match.

***

Pumunta ako nun sa locker room at nagpalit na din ako ng jersey. Pag nanalo kami mamaya, siguradong papasok na kami sa Championship Match. Ok 'to. Hindi lang dapat ako pumalpak. Kakalabas 'ko lang nun ng locker room nang makita 'ko si Levi.

"Good Luck"

Hindi 'ko alam yung sasabihin 'ko sa kanya kaya nginitian 'ko na lang siya. Then, nilagpasan 'ko na din naman siya kaagad.

Pagpunta 'ko sa covered court e nagsisigawan na yung mga tao. Nagpulong-pulong na din yung mga players.

"Alam niyo na yung strategy. Ok? Rebounds ha! At dapat mabilis tayo! Alitagtag, kasali ka sa firsr five. Gandahan mo ang depensa mo ha"

Nagulat naman ako dun. AKO? First Five?!

"At ipasa niyo kay Vyra o kay Sandra yung bola. Mabigat 'to kasi mga Juniors 'to! Maraming Varsirty players dito kaya galingan niyo lang. Kaya natin 'to. GO SENIORS!"

So yun, lalong lumakas yung sigawan at pinakilala na din yung first five. Nung sinabi yung pangalan 'ko, rinig na rinig 'ko yung sigaw ni Fuchsia. Nakakaloka lang e. WAHAHA.

And nagsimula na ding magsalita yung announcer.

"Start the game with a jump ball at nakuha na naman ni Captain Ball. Sobrang bilis talaga oh. At unang tira pa lang ay shoot na. Andun pa rin si Alitagtag na maiging binabantayan si Samonte na Ace Player ng Juniors. Magaling sa depensa 'to!"

Nakakatuwa naman. Na-mention din ako! Sobrang dikit nga ng laban e, minsan ang juniors ang lalamang tapos maya-maya naman ay kaming mga seniors na ang may lamang sa kanila. Sobrang hirap nga nilang kalaban.

1st quarter pa lang e sobrang pagod na kami. Parang may kiti-kiti kasi sa pwet yung binabantayan 'ko diba?! Pero hindi niya ako matatakasan!

"Pinasa kay Captain Ball. At pinasa kay Sandra na kamukha ni Sandara Park. At tumira! Ayos! Shoot na naman. 34-32 ang score in favor of the seniors!"

Natapos na ulit ang 2nd quarter at pinagpahinga muna kami. Waaaa. Pagod na ako kaagad. Pinagpahinga muna ako ng kaunti nun habang nagsisimula na ang 3rd quarter. Kasabay 'ko nung magpahinga si Vyra kaya medyo naiilang naman ako.

"Patay tayo dyan. Asan na ang offense at defense masters ng Seniors na si Sanchez at Alitagtag?! 34-40 ang score in favor of the Juniors!"

Patapos na ang 3rd quarter ng pinasok kaming dalawa ni Vyra ng coach. At dahil dun, nagsigawan halos lahat ng mga Seniors.

"Sa wakas, hahabol na 'yan!"

And nag-start naman na yung game. As usual, hindi na naman makaporma yung Ace Player nila. Mukhang naiinis na nga siya sakin e.

"Hindi 'to patintero!" sabi naman niya sakin. Aba, ang landi ng babaeng 'to ha!

"Bakit? Angal ka? E gusto 'kong maglaro ng patintero e"

Then bigla niya akong binangga. Sobrang sakit ng bagsak 'ko nun sa floor. As in ouch. Wrestling din pala ang basketball no! Pumito agad yung referee at tumawag ng foul sa Junior na yun. Tinulungan ako ng team mates 'ko nun na tumayo and pwinesto ako sa free throw line. Isang shot lang yun. Jusko po. Sana pumasok ka.

Inisip 'ko naman nun yung mga tinuro sakin ni Levi then I tried to shoot.

Kaso nga lang, hindi pumasok. Awww. Nakakainis. Yun na yung chance 'ko e, sinayang 'ko pa! Pero ok lang, nagpatuloy pa din yung game. Sorry kung hindi ako sharp shooter no?

Then yun, as usual nagbabantay lang ako dun sa Ace Player nila na hindi pa rin makaporma sakin. Parang bumilis yung oras nun and the next thing I knew e 11 seconds na lang ang natitira at 77-76 ang score in favor of the juniors. Patay tayo dyan. So nagpatawag muna ng time-out yung coach namin.

"Eto ang strategy natin. Ok? Sandra, kailangan na sayo yung bola kaagad. Basta dapat makuha mo yun. Back-up mo si Shane at Carla kapag nagka-problema. And ikaw Ingrid, be sure na bantay-sarado mo yung Ace Player. At ipasa niyo kay Vyra ang bola para sure ball tayo. Ok? Kaya natin 'to. GO SENIORS!"

And yun , nagpatuloy ulit yung game. Sobrang kinakabahan ako nun kasi 11 seconds na lang at bola pa ng juniors. And then, nagsimula yung oras na animo parang magdidikta na ng buhay namin.

Mabilis na nakuha ni Shane yung bola mula sa Juniors at pinasa ito kay Sandra kaso masyado siyang maraming bantay at si Vyra naman ay hindi makapasok. 8 seconds na lang ang natitira. Wala ng choice si Sandra kaya tinapon na lang niya kung saan man pwedeng itapon yung bola. Malapit ng mag-outside yung bola pero dapat 'kong pigilan yun para hindi maging Junior's ball pagnagkataon. Mabilis akong tumakbo at iniwanan 'ko yung bantay 'ko. Luckily, nakuha 'ko yung bola at hindi siya tumama sa Outside line.

4 seconds na lang...

Tumingin ako kay Sandra na maraming bantay. At kay Vyra na walang bantay.

"Ingrid, ipasa mo sakin!"

HA? ANO KA CHIX? BAKIT KO IPAPASA SAYO?!

2 seconds..

Nagpapanic na yung puso 'ko. Nakita 'ko na tumatakbo na papalapit sakin yung binabantayan 'ko kanina. Ready na atang resbakan ako. But here goes nothing. Bwumelo ako from the three-point line and nag-shoot ako.

Ayaw 'kong tumingin dahil baka pumalpak ako.

But the next thing I knew...

"WAAAAA!!! GO SENIORS! GO SENIORS! GO SENIORS!"

Mabilis na nagtakbuhan sakin yung mga kakampi 'ko and yinakap nila ako isa-isa. Of course, except kay Vyra na bitter ata sakin. It was a good choice na hindi 'ko pinasa sa kanya yun.

"And it's the end of the ball game. Seniors win with 79-77! Makakalaban nila ang Freshmen tomorrow para sa Championship Game!"

Sigawan ng sigawan nun yung mga tao. And flattered ako kasi puri sila ng puri sakin. Waaaaa, I'm so happy. WAHAHAHA.

Nakita 'ko nun si Rose at si Fuchsia na tumakbo pa talaga papalapit sakin. Champion din naman si Rose sa Darts. As usual naman diba?

"Ang galing mo!"

"Waaaa. Hindi nga ako makapaniwala e! Nanalo kami!!"

Napatigil naman kami sa pagsasaya nun ng biglang lumapit samin si Yohan.

"Ingrid, congrats. Sobrang galing mo"

"Talaga? Thanks"

Napangiti naman si Fuchsia nun na parang nang-aasar lang.

"Sige, maiwan na namin kayo. Enjoy lang!"

Waaaa.Fuchsia, binubuking niya ba ako?! WAHAHA.

Aalis na sana silang dalawa ni Rose nun kaso biglang umentra si Levi at nagsalita siya.













"Hindi niyo siya dapat iniiwan kasama ang ibang lalaki maliban sakin" o.O

No comments:

Post a Comment