Friday, May 27, 2011

Chapter 9

"Bakit ka ba galit sakin?"


Lunch Break namin ngayon. Ayun, kaninang umaga badtrip na badtrip ako sa kanya. Lalo tuloy akong na-chismis sa kanya. Nakakairita lang e. Tapos tatanungin niya ako kung galit ako sa kanya. Nasa classroom lang kaming dalawa nun tapos yung mga classmates namin e nasa cafeteria. Gutom na ako e. Iniwan ba naman ako ni Fuchsia at ni Rose.

"Alam mo hangga't hindi ka nagsasalita e, hindi ka makakakain"

Hindi 'ko pa rin naman siya pinansin. Napaka-engot naman niya kasi e. Anong iisipin ng tao sakin ngayon? Sure ako na kalat na yung chismis na 'yun every second na dumaan. Haayyy. Buhay nga naman parang life. Nag-text naman ako nun kay Fuchsia na dalhan ako ng pagkain. Nung una e sinabihan pa niya ako na makapal ang mukha 'ko e pero syempre hindi naman nila ako matitiis. Wahehe.

"Ano bang nagawa 'ko? Sinabi 'ko lang naman na mukhang hindi ka nakatulog kagabi kasi may eyebags ka"

Nakakainis talaga. Hindi niya ba naisip ang kung ano mang pwedeng isipin ng tao sa sinabi niya?! HAYYY, bigyan niyo po siya ng utak. Please lang.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?"

As usual, wala akong kibo sa kanya. Kunwari daw wala akong naririnig. Lalalalala. Mwahaha.

"Hoy Alitagtag, ang panget mo"

Nanlaki naman yung mata 'ko nun. Magsasalita na sana ako pero pinigilan 'ko yung sarili 'ko. Hindi ako magpapatalo! Hindi 'ko talaga siya papansinin.

After ilang minutes na dumaan e tumunog na yung tiyan 'ko. Nakita 'ko pa ngang nag-smirk nun si Levi e. Gutom na gutom na ako. Ang tagal naman ni Fuchsia e.

"Ayaw mo ba akong kausapin?"

Syempre, hindi 'ko siya papansin kasi ayaw 'ko nga siya kausapin diba? Tiningnan 'ko lang naman nun yung kuko 'ko, ang haba na pala. Hindi pa pala ako nakakapaggupit. Wahehe. Magupitan nga 'to mamaya.

Bigla naman niyang hinawakan nun yung kamay 'ko. Ang bilis ng pangyayari, the next thing I knew e nakalagay na yung kamay 'ko na yon sa right shoulders niya tapos sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Yung mga ilang inches na lang talaga ang pwedeng iusog at magkakaroon na ng matinding milagro.

"ANO BA, LEVI?!"

Bigla siyang nag-evil smile nun. So eto pala yun ha. Gusto lang niya na magsalita ako ha. So, ganon na 'yon. Bwiset!

"Fuchsia, hindi na pala dapat natin siya dinalan ng pagkain. Mukhang di na siya gutom e"

Wrong Timing naman talaga o. Tinulak 'ko nun si Levi ng sobrang lakas kaya nga muntikan pa siyang mahulog dun sa arm chair niya. Buti na lang napahawak siya sa desk ng arm chair 'ko. Nakakahiya naman talaga o. Si Rose at Fuchsia pa nakakita.

"Hey guys, wala lang 'to. Asan na 'yung pagkaen 'ko? Ang tagal niyo! Gutom na gutom na ako!"

"Asus, nakaistorbo pa ata kami sa inyong dalawa e"

Mang-aasar pa 'tong mga 'to. Ayun, binilan nila ako ng rice and adobo. Ayos, takam na takam na 'tong sikmura 'ko e. Feeling 'ko magco-collapse na ako sa sobrang gutom.

"Lika Fuchsia, iwan muna natin sila"

Tatayo sana ako nun para sundan sila. Ayaw 'ko na kayang maiwan dito kasama si Levi. Pero natigilan ako ng narinig 'ko ang pagtunog ng tiyan ni Levi. Hindi pa nga siya nagpapahalata nun e. Alam niyo yung naka-blank face pa rin siya kahit anong mangyari. Oo nga pala, hindi pa rin siya nagla-lunch.

"Gutom ka na ba?"

Umiling pa siya nun. Asus, pakipot pa ang mokong!

"Share na tayo. Kawawa ka naman e"

Umiling naman siya. At dahil hindi naman ako mapilit, e kumaen na lang ako sa harapan niya pero nadi-disturb ako kasi napapatingin siya dun sa pagkain 'ko. E mukhang hindi 'ko naman talaga siya matiis e.

"Ayaw mo ba talaga? O gusto mong subuan pa kita?"

Pangaasar 'ko naman sa kanya. Tumingin siya sakin nun tapos nag-smirk ulit siya. Hindi 'ko matawag na ngite yun kasi parang half lang ng lips niya yung nagcu-curve e.

"Hindi ka na ba galit?"

"Hm, siguro hindi na. Hmf! Buti na lang malakas ka sakin. Kain na"

Then yun, hinati 'ko yung rice para meron din siyang parte. Ginamit niya yung tinidor bilang utensils. Ang tahimik nga niyang kumain e. Pero ano nga bang pagkakaiba? Tahimik naman siya forever. Minsan nga lang e tinotopak at bigla siyang kumukulit.

***

Ayun, inaasar parin kami ng mga classmates 'ko. Nakakairita nga minsan e. Nambabato na nga ako ng papel para lang tumigil sila. Ang kukulit naman kasi e!

Then dumating na naman ang detention time. Sabay ulit kaming lumabas ni Levi sa classroom. Wala na rin masyadong tao tapos hindi na rin naman kami nag-uusap. Mas ok pa pala nung galit ako sa kanya, mas dumadaldal siya. Dapat pala palagi akong galit sa kanya! Mwahaha.

Napatigil kami bigla ng nakita namin si Vyra sa harapan namin. Nakatambay siya dun sa upuan sa labas ng library. Medyo kinabahan nga ako e. I feel trouble. Lumapit si Vyra nun samin. I mean sakin pala. Whoa. Bakit sakin talaga?!

"Ikaw?" Ha? Ako?

"Yan ka na naman Vyra e"

Tumingin nun si Vyra kay Levi tapos nag-sigh siya. Feeling 'ko may galit sakin si Vyra e! Nakakatakot!

"Bakit? I was just checking up on you! Pero anong nakita 'ko? Hindi 'ko talaga ma-gets ang utak mo, Levi!" TAMAAA! Ako din, hindi 'ko siya ma-gets e. Wahehe.

"Vyra, stop it."

Umirap sa kanya si Vyra then linagpasan siya. Whew. Sa wakas, nawala na ang unos.

"Anong meron?"

"Wala"

Ok. Galit ulit siya. For sure, magtitipid na naman 'to ng salita. Hindi kaya dahil kay Vyra kaya sobrang sungit niya minsan? Hmmm.

***

Mabils naming natapos yung trabaho namin. Masaya din naman kasi ako kasi sabi nung librarian e babawiin niya na yung 2 days extension kaya buhay normal estudyante na ulit ako! WOOHOO. Goodbye detention.

Onti lang yung books kaya 5:30 p.m. pa lang e tapos na kami.

"Sa wakas, goodbye detention partner na!!"

As usual, hindi niya ulit ako pinansin. Hayyy. Dinapuan na naman siya ng dalaw. Sabay kaming lumabas ng library at sabay din kaming lumabas ng school. Hindi pa rin niya ako kinakausap. Hay nako naman.

"Alam mo ang daya mo. Palagi kang masungit. Buti na lang mabait ako"

Tumingin siya sakin nun pero syempre no reaction lang siya.

"Hindi ba uso ang emotions sa planeta niyo?"

Pinagtaasan niya naman ako ng isang kilay non. Ang sungit naman ng kilay neto e.

"Hindi"

"Bakit? Taga-san ka ba?"

"I'm lost"

Parang akong tanga nun na ginagawa siyang tanga. WAHAHA. Hindi 'ko ma-gets. Hinihilo 'ko lang ang sarili 'ko. E di yun, nung nakalabas na ng school e akala 'ko ihahatid niya ulit ako.


Pero ambisyosa lang naman pala ako.

"Sige, babye na"

Tumalikod na ako nun sa kanya para magsimula ng lakarin ang bahay 'ko pero bigla niya akong tinawag.

"Alitagtag"

Napasimangot naman ako nun. Yan ang ayaw 'ko sa surname 'ko e. Tumingin naman ako sa kanya nun ng nakapamewang pa.

"Yes?"

Napalunok siya nun tapos nag-smirk ulit siya. Hobby niya siguro yun.















"Please teach me the `so-called-emotions` of your planet"

***

Nakauwi din naman ako finally. Haaayyy, nababaliw na talaga si Levi. Kung anu-ano ng sinasabi e. Nagulat naman ako ng bigla akong pumasok sa bahay namin kasi nakita 'ko si Ate Ivette na tulala habang nanonod ng TV. Alam mo yung parang corpse na siya. Nakakaloka e.

"Ate Ivette, anong nangyari sayo?"

"Shocked lang talaga ako"

Tinabi 'ko nun yung bag 'ko then tinanggal 'ko yung necktie 'ko.

"May nangyari ba?"

Tumingin siya sakin ng diretso nun.








"Sis, in love na in love sayo si Cyrus" WEH? O.O

No comments:

Post a Comment