Friday, July 15, 2011

Chapter 38

Hindi maalis sa isipan 'ko ang mga pangyayari ng araw na 'yun. Doon ako lalong naguluhan. Nagsimula lahat sa mga nangyari sa library kung saan hinalikan ako ni Levi sa noo. At ang isa pa ay ang narinig naming dalawa ni Fuchsia sa may Music room. Gusto 'kong isipin na naghahallucinate lang ako pero alam 'ko na totoong nangyari ang lahat.

Lumipas ang ilang araw at dumaan ito na tila may hinahabol. Wala masyadong nangyari. Balik klase pa rin at ako naman, patuloy pa din akong nakikiramdam sa relasyon ni Rose at ni Levi. Tunay ngang break na sila. isa sa mga proofs dyan ay ay hindi na sila magkatabi tuwing nakain. Sa ibang table kumakain si Rose. Minsan may nakakasabay siyang mga batch mates namin na weird pero madalas, sa classroom lang siya nakain. Gusto 'ko siyang lapitan at yayain na kumain na sa table namin pero ewan 'ko ba. Naramdaman 'ko na may pumipigil sakin. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan 'ko yung mga nangyari dati. Kahit na ba past na yun, naging sila pa rin si Levi. Yun ang isang bagay na tinago nila mula sakin at gamit ang bagay na 'yun, nasaktan naman talaga ako ng sobra-sobra.

"I want to remind you that tomorrow, we will have our Halloween Party. Then the next seven days, sem break na yun. Then, balik na kayo"


Lumilipad lang naman yung isip 'ko habang sinasabi nung adviser namin yung mga mangyayari bukas. Muntik 'ko na ngang makalimutan na may Halloween Party e. Hindi 'ko naman kasi yan hinhintay. Sobrang boring kaya ng Halloween party namin last year. Feel 'ko nga ayaw 'ko nang lumipat e.

"Tandaan niyo. May plus grade sa card ang kung sino mang manalo sa Best in Costume contest"

Tuwang-tuwa naman yung mga classmates 'ko. Lalo naman si Fuchsia. Pagkaalis kasi nung adviser namin, humarap agad sakin si Fuchsia para humingi ng ideas sa kung ano man ang pwede niyang suotin para bukas. 

"Ano kayang susuotin ko? Feel 'ko kasi mas gusto 'kong maging Victoria ng Twilight! Or gayahin 'ko na lang si Hermione ng Harry Potter! Whadyathink?"

Natatawa lang naman ako. Puro babae kasi talaga napipili niya e.

"Try mo kayang magpaka-Jacob minsan. Keri mo?" pang-aasar 'ko naman sa kanya. Nagtawanan lang naman kami nun at patuloy lang naman siyang nagbibigay ng mga ideas.

Gamit ang peripheral vision 'ko, nakita 'ko na nakatitig lang sakin buong magdamag si Levi. Nakaramdam na naman ako ng awkwardness pero at the same time, medyo natutuwa din ako. Hindi 'ko alam kung tama yun o hindi. Napatingin ako sa kanya ng diretso at halatang nataranta siya sa mga titig 'ko.

"Oi ikaw bruha. Anu ba susuotin mo?"

"Hm, jeans at shirt lang"

Nanlaki talaga ng bonggang-bongga yung mata nun ni Fuchsia. Bakit? Masama bang maging casual na lang ngayon?

"NAGJOJOKE KA BA?!"

Ang lakas lakas ng boses niya kaya napatingin samin yung lahat ng klase pero dahil napahiya siya, nagpalusot na lang siya ng kung anu-ano na hindi 'ko naman naintindihan.

"Hindi ako nagjojoke. Hindi ko naman kailangan ng dagdag grade e"

Hindi naman sa nagmamayabang, ano? pero wala lang talaga akong interes sa mga bagay na ganyan. Kung ano dapat ang grade 'ko, yun na yun. masaya na ako kung alam 'ko sa sarili 'ko na deserving ako para sa grade na yun. Naks naman! Akalain mong ganito rin pala akong mag-isip tungkol sa edukasyon?!WAHAHA.

"Hindi ako papayag!!! Pupunta tayo sa bahay niyo mamaya at hahalukayin ko ang mga damit ni Ate Ivette para sayo!"

"Fuchsia?!"

***

Gusto 'ko mang pigilan si Fuchsia, wala rin naman akong magagawa. Mas malakas kasi ang hatak sakin ng baklang 'to e. So ayun, siya pa mismo ang nanghila sakin papunta sa bahay namin. Mukhang siya nga yung may-ari nung bahay e. As usual, wala si mama at si papa. Andun na agad si Ate Ivette at suot pa niya ang uniform niya.

"Oh. Fuchsia?!"

"Ohmigoshhh! I so miss you naaaaahhh! Nagiba ka talaga nung fieldtrip infairness. Kina-career!"

Natawa naman ako sa kanilang dalawa kasi may mga beso-beso pa silang nalalaman.

"Well anyways, ito kasing kapatid mo ayaw mag-effort para dun sa party namin bukas!!"

"Hindi naman kasi kai--"

"Hay nako! Ganyan talaga yang babaeng yan!! Ughh!! Pero hindi ako papayag! May fashion sense ang pamilya namin at papatunayan 'ko yan! Dapat magsuot ka ng maganda bukas!"

As usual, hindi na ako nakasingit sa kanilang dalawa. Sila ba naman kasi ang parehong mapilit e, talo na talaga ako. nakiride na lang naman ako sa kanila.

Hinila nila akong dalawa sa harap ng malaking closet ni ate Ivette. Marami siyang iba't-ibang uri ng sapatos. From stilettos to flat shoes, kumpleto talaga. Tapos from cute tops hanggang long gowns, meron din siya. Collection niya kasi yan e at lahat yan pinagipunan niya.
"Grabe! Dapat matry lahat ni Ingrid ang mga ito!"

Sobrang saya ni Ate ivette at ni Fuchsia. Pero ako? Parang akong napagtritripan ng kapatid 'ko at ang kaibigan 'ko na tinuturing 'ko rin na bilang isang kapatid.

"ang kulit niyo talaga! Pinagtritripan niyo lang ako e!"

"ang ganda mo kaya sis! Kamukha kita!"

So ayun, nakapili sila ng isang yellow dress para sakin na hanggang tuhod. Ang cute nga niya e. Parang nakinang kasi kapag gabi tapos parang diamonds din yung ibang parts nung damit kapag umaga. Ang hirap i-explain e basta sobrang ganda nung damit 'ko.

***

Wala kaming pasok ngayon gawa ng Halloween Party na nga namin bukas. Napagusapan naman namin na dadaanan ako dito ni Fuchsia para sigurado siya na sinuot 'ko talaga yung dress na napili nialng dalawa ni ate. Si ate naman yung nag-ayos ng buhok 'ko nun. Ginawa nila akong doll e! WAHAHAHA.

Humarap ako nun sa salamin 'ko habang pinapakulot ni ate yung ilalim ng buhok 'ko. maganda yung style kasi hindi siya common na kulot na kulot yung buhok. Yung sakin kasi, yung dulo lang. mukha na nga akong magpro-prom e. Excited much?! Medyo inayos pa niya ng unti at may parte ng buhok 'ko na tinali niya pataas at may ibang parts naman na nakalugay lang. Basta sobrang cute e. Yellow din yung ribbon na ginamit niya para sa ulo 'ko. Pinahiram niya din ako ng mga yellow earrings. Sobrang cute nga e, ang sarap arborin. Meron ding yellow flat shoes para sakin. Hindi naman ako masyadong mahilig sa yellow, ano? Light lang yung make-up na linagay niya saki which is good. At least, hindi ako nagmumukhang clown.

"Ok. Tapos na ang total make-over mo. Tingnan mo na yung sarili mo"

Dahan-dahan 'kong dinilat yung mata 'ko at hindi ako makapaniwala sa itsura 'ko.


ANG GANDA KO ATA?

Napangiti naman ako nun. mukha kasing na-emphasize yung pagka-brown nung buhok 'ko e. Feeling 'kp parang ako si Belle ng Beauty and the Beast. Promise. From the hair, sa mukha at sa damit. Parang binase yung itsura ko doon e.

Sakto lang naman ang pagdating nila Fuchsia nun then umalis na rin ako sa bahay. Naiinggit nga sakin si ate kasi yung school nila walang Halloween party. Pumasok naman ako ng dahan-dahan dun sa kotse nila Fuchsia.

"Girl! Ang pretty mo talaga!"

Nakasuot ng wig nun si Fuchsia at sobrang kapag ng eyeliner niya. Pero infairness, medyo nagaya niya nga ang look ni Victoria.

"Ang pretty mo din"

"I know"

Yung daddy ni Fuchsia yung nagdra-drive nun. halata naman siguro na tanggap na ng tatay niya ang nature ng anak niya, diba? Well, wala naman silang magagawa kung mahal naman talaga nila ang mga anak nila e.

Mabilis lang ang naman ang pagpunta sa school namin. DUH. Dapat nga nilakad 'ko na lang e, sadyang nakakahiya lang talagang maglakad kung ganito ang itsura 'ko. Lumabas kami ng kotse at napatingin ako sa full moon. Sobrang ganda tapos ang dami pang stars. Parang isang perfect night.

"Lika na!"

Hinila ako ni Fuchsia at pumasok kami sa Gym. Ang dami na agad na tao. Ibat-ibang costumes at make-up. Ang astig nga ng iba e. May mga pugot na ulo pa pati yung mga naputulan ng kamay. Seriously, paano nila nagawa yun?! Sana yun na lang pala naging concept 'ko, ano?

Mabilis na hinanap ng mga mata 'ko si Levi at mabilis 'ko rin naman siyang nakita. Meant to be nga siguro kami, ano? Feeling 'ko kasi yung basis nung look niya ay si beast ng Beauty and the Beast. Nakapang-prince siyang costume pero yung mga kamay niya ay may fake gloves na parang may claws at fur. Pero ganun pa rin naman ang mukha niya, ang gwapo pa din. Yung tipong ang hotness niya ay umaabot na sakin kahit na sobrang layo pa niya.

"Welcome to our Halloween Party!"

Nagkaroon ng sayawan at kung anu-ano pa. Magkakasama kami nina Yohan, Fuchsia at Vyra. Naka-dracula costume si Yohan habang si Vyra naman ay naka-pangVictoria style din!

"Ginagaya mo talaga ako!"

"Excuse me?! At least ako, babae ako! Eh ikaw, bakla ka!"

As usual, nag-asaran na naman sila. but they're closer than you thought. Habang nagbabangayan naman yung dalawa, binulungan naman ako ni Yohan.

"ang ganda mo ngayon ah. Para kanino ba yan?"

"Ano bang sinasabi mo dyan?"

Aakma sana ako na susuntukin siya kaso napatigil ako nang biglang nagbago yung lights. Naging colorful siya tapos iba't-ibang shades of colors yung lumabas. Bumagal din yung music at ibig sabihin lang niyan ay pwede nang magyaya ang mga kalalakihan ng mga babae na natitipuhan nila.

"Sige, yayayain 'ko lang si Vyra"

Nagthumbs up lang naman ako sa kanya. Buti pa si Yohan, merong isang ordinary love story. Good luck na lang sa kanilang dalawa ni Vyra. niyaya niya si Vyra at syempre, tinanggap naman ito ni Vyra. Bagay na bagay nga sila e.

The next thing I knew, napatitig na lang ako sa mga couples na nagsasayaw sa may dance floor.

"May hinihintay ka ba?"

Nginitian 'ko lang naman si Fuchsia. Alam 'ko naman na naiintindihan niya na ako. I was in fact waiting for Levi to ask me to dance with him.

"Baka nahihiya siyang lumapit dito dahil sakin. Sige, alis na lang ako"

Gusto 'ko sanang sabihin na wag na pero nag-insisit na rin si Fuchsia. Napasigh na lang naman ako.

Yayain mo na ako, please.
Please?
Dance with me. Kahit ngayon lang?

Ugh. I'm hopeless. 

Hindi nga siya tumitingin sakin e. Asa namang yayain pa niya akong sumayaw, diba? Nawalan na rin ako ng pag-asa kaya lumabas na lang ako nung Gym at mag-isa 'kong pinanuod yung mga stars at yung full moon. It was such a perfect evening. Pero siguro hindi lang talaga perfect para saming dalawa ni Levi.

Sayang ang buhok 'ko. Sayang ang damit 'ko at ang sapatos 'ko. Sayang ang make-up. Sayang ang--

Nagulat naman ako nang may narinig ako na kaluskos ng mga dahon. Napatingin ako sa likod 'ko and I saw Levi. Mukhang natabig niya kasi yung pot na may halaman sa gilid. Mahilig nga siya sa mga unpredictable surprises, ano?

"Oi"

Nakalagay sa bulsa niya yung dalawa niyang kamay at tumabi naman siya sakin. Sabay kaming tumingin sa full moon at sa mga stars.

"Ang ganda, ano?"

"Sobra"

Kahit na hindi ako tumingin, alam 'ko ang mga nangyayari. 













He was looking at me. I'm sure of that.

No comments:

Post a Comment